Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lulusot upang maging batas ang 20 priority bills ng administrasyon bago pa man matapos ang 2023.
Kasunod na rin ito ng isinagawang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa Malacañang.
Sa ngayon ay 18 sa 20 bills ang lumusot na sa Kamara at sinasabing bago ito mag-break ay kukumpletuhin na ang lahat na 20 priority LEDAC measures.
Sa Facebook account ng Pangulo ay sinabi nitong isa sa mapapakinabangan ng taumbayan na batas ay ang may kinalaman sa paglaban sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura.
Ito ay ang Anti-Agriculture Smuggling Act sa gitna na din ng maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga smugglers.
Ilan din sa binannggit ng Punong Ehekutibo na maisasabatas ngayong 2023 ang tungkol sa National Employment Action Plan at Magna Carta for Seafarers.
Sa kabilang dako ay una nang pinasertipikahang urgent ng Pangulo ang General Appropriations Bill of 2024. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: Office of the President