Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos para sa Morocco na matinding tinamaan ng 6.8-magnitude na lindol.
Sa kanyang mensahe, inihayag ng Punong Ehekutibo na lubhang nalulungkot ang mga Pilipino sa sinapit ng mga taga-Morocco na nauwi sa pagkamatay ng marami na umano ay nasa higit ng 2,000 ang nasasawi.
Kasama aniya ang Pilipinas sa pagdadalamhati sa kasalukuyan ng mga taga-Morocco habang nananalangin ang buong sambayanan para sa naiwang pamilya ng mga biktima ng trahedya.
Kaugnay nito ay nagpahayag din ng kahandaan ang Chief Exercutive na magbigay ng anomang maaaring maitulong sa Morocco para sa mabilis na pagbangon nito.
Dagdag ng Pangulo na tiwala siya sa katatagan ng mga taga-Morocco at sa pamamagitan ng pagkakaisa nito ay muli silang babangon bilang isang nasyon. | ulat ni Alvin Baltazar