Pres. Marcos Jr., nagsalita tungkol sa South China Sea sa harap ng kanyang kapwa ASEAN leaders

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mahalagang tindigan ng isang lider ang anomang hamon na may kinalaman sa isyu ng soberenya.

Laman ito ng intervention ng Punong Ehekutibo sa ginanap na 43rd ASEAN Summit Retreat Session na dito ay naging bahagi ng mensahe ng Pangulo ang tungkol sa South China Sea.

Ayon sa Pangulo, nananatili ang commitment ng Pilipinas na makamit ang mapayapang resolusyon hinggil sa South China Sea dispute base na din sa itinatakda ng international law.

Pagbibigay diin ng Pangulo, hindi habol ng Pilipinas na magkaroon ng sigalot sa harap ng nananatili pa ring isyu sa nasabing teritoryo.

Kaugnay nito’y sinabi ng Pangulo na ang inaasam-asam na kapayapaan sa hinaharap ay nakasalalay sa kung paano magsasama-samang harapin at pagtulung-tulungan ang nasabing hamon.

Hindi aniya dapat hayaan ayon sa Pangulo ang paggamit ng dominasyon at puwersa sa gitna ng nananatili pa ring usapin sa pinagtatalunang teritoryo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us