Presensya ng pamahalaan, mahalaga sa laban kontra terorismo, ayon kay VP Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na mahalaga ang presensya ng pamahalaan sa mga malalayong komunidad upang sugpuin ang terorismo sa bansa.

Ito ang sinabi ng Pangalawang Pangulo matapos pangunahan ang pagbubukas ng Peace Village sa SM City Annex, Davao City bilang panimula sa pagdiriwang ng National Peace Month ngayong buwan.

Ayon kay VP Sara, mahalaga na may maayos na access sa edukasyon, trabaho, health care services at iba pa ang mga komunidad upang hindi mahimok ang mga ito ng mga terorista.

Ibinida rin ni VP Sara ang mga ginawang hakbang sa Davao Region na nagdiriwang ngayon ng unang taon ng pagiging malaya sa insurgency, kabilang na ang paglulunsad nito ng Peace 911 na nakatulong upang labanan ang terorismo sa rehiyon.

Kaugnay nito ay umaasa si VP Sara na tuluyan nang matitigil na ang insurgency sa bansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us