Presyo ng galunggong sa Muñoz Market, aabot na sa ₱240 kada kilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mataas ang presyo ngayon ng isda gaya ng Galunggong sa Muñoz Public Market, Quezon City.

Ayon kay Armando, tindero ng isda, umaabot ngayon sa ₱240 ang kada kilo na mas mahal na sa isang kilo ng manok na ₱200 ang kada kilo.

Paliwanag nito, mula nang nagkasunod-sunod ang bagyo ay nagkaroon din ng pagsipa sa presyo ng GG.

Dahil dito, humina aniya ang bentahan nito ng isda sa ngayon.

Sa monitoring ng DA Bantay Presyo, naglalaro sa ₱200 hanggang ₱260 ang kada kilo ng galunggong sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Samantala, narito pa ang presyo ng ilang panindang isda at seafood sa Muñoz Market:

Bangus – ₱220 kada kilo
Sapsap – ₱360 kada kilo
Yellow Fin – ₱200 kada kilo
Bisugo – ₱320 kada kilo
Hasa hasa – ₱300 kada kilo
Maya maya – ₱360 kada kilo
Pampano – ₱360 kada kilo
Hipon – ₱400 – ₱440 kada kilo
Pusit – ₱380 kada kilo
Alimasag – ₱440 kada kilo

| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us