Ramdam ang taas-presyo ng ilang gulay at pangsahog sa Muñoz Market sa Quezon City.
Kasama sa nagtaas ang Kamatis na umabot na sa ₱160 ang kada kilo at pumapatak rin sa ₱10-₱15 ang kada piraso .
Ayon kay Aling Joan, tindera ng gulay sa Muñoz Market, mula nang nagkasunod-sunod ang tama ng bagyo at habagat ay nagsimula na ring tumaas ang presyo ng gulay.
Maging sa monitoring ng Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo sa ilang pamilihan sa Metro Manila, umaabot din sa ₱170-₱200 ang kada kilo ng kamatis.
Samantala, bukod sa kamatis, tumaas din ang bentahan ng mga gulay-Baguio sa Muñoz Market gaya ng:
Brocolli – ₱400 kada kilo
Cauliflower – ₱300 kada kilo
Bell pepper – ₱500 per kilo
Patatas – ₱200 kada kilo
Carrots – ₱200 kada kilo
Baguio beans – ₱140 kada kilo
Repolyo – ₱100 kada kilo
Narito pa ang presyo ng ilang pangsahog at gulay:
Bawang – ₱120 kada kilo
Luya – ₱120 kada kilo
Siling panigang – ₱140 kada kilo
Pulang Sibuyas – ₱140 kada kilo
Puting Sibuyas – ₱120 kada kilo
Ampalaya – ₱160 kada kilo
Talong – ₱120 kada kill
Bulaklak ng Kalabasa – ₱60 per bungkos
Sitaw – ₱60 per bungkos
Calamansi – ₱20 per pack
Dahon ng ampalaya – ₱15 per tali
Malunggay – ₱10 per tali
| ulat ni Merry Ann Bastasa