Inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Oil Industry Source base, sa apat na araw na trading aabot sa P0.69 ang iro-rollback sa kada litro ng diesel habang P0.14 naman ang sa kada litro ng Gasolina, at P0.76 centavos naman sa kada litro ng kerosene.
Inaantay pa ang kabuuang resulta sa magiging trading ngayong araw ang magiging pinal na presyo ng roll back sa susunod na linggo. | ulat ni AJ Ignacio