Sa pagpapatupad nga Executive Order 39, the Imposition of Mandated Price Ceiling on Rice, and Department of Trade and Industry (DTI) – Samar kasama ang local price coordinating council ng lungsod ng Calbayog, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, Department of Agriculture, at Calbayog City Agriculture, umikot sa iba’t ibang mga tindahan sa lungsod ng Calbayog.
Sa profiling at monitoring na kanilang ginawa, napag-alaman na mayroon nang sampung rice retailers ang nagpatupad ng P41 at P45 na presyo ng bigas.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Calbayog sa DTI-Samar, kanilang nilinaw na hindi kasali sa price cap ang mga imported na bigas katulad ng Jaguar, Sinandomeng at Maharlika, Premium, at Special Price.
Sinabi din nila na mabibigyan nang ayuda ang mga rice retailers na apektado at compliant sa EO 39 sa pammagitan nang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Planong ipamahagi ang subsidy sa mga susunod na araw. | ulat ni Suzette Pretencio | RP1 Calbayog
Photos: Aima Jamilon