Price Monitoring Taskforce pinareactivate ni Cebu LGU upang ma-monitor sa pagsunod sa rice price ceiling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Cebu City Mayor Michael Rama ang reactivation ng Price Monitoring Taskforce sa lungsod kasunod ng pagpapatupad ng Executive Order 39 ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Bagama’t wala ngayon sa Cebu City ang alkalde, nakarating aniya sa kaniya na mayroong mga retailer na hindi sumusunod sa itinakdang price ceiling sa ibinebentang bigas.

Ayon sa opisyal, aalamin ng taskforce kung mayroon bang mga supplier at retailer na nanamantala sa sitwasyon at nagpapalobo sa presyo ng kanilang mga tinitindang bigas.

Maliban sa mga nagtitinda ng bigas, ipapamonitor rin ng alkalde ang presyo ng lahat na bilihin at hulihin ang mga nag o-overprice na mga negosyante.

Hinimok naman ni Mayor Rama ang suppliers at retailers ng bigas na sumunod sa direktiba ng government at bigyang pagkakataon na maipatupad ang rice price ceiling. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu

Photos: Cebu City PIO/ Market Operations Division

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us