Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa produksyon sa sektor ng agrikultura para sa ikalawang quarter ng 2023.
Sa datos ng PSA, umabot sa 17,879.44 metriko tonelada ang kabuuang volume ng crops production nitong ikalawang quarter na mas mababa kumpara sa 18,050.56 metriko tonelada noong nakaraang taon.
Katumbas ito ng -0.9% pagbaba sa produksyon ng sektor.
Ayon sa PSA, kabilang sa nakaambag sa pagbaba ng volume sa crops production ay ang pagbaba ng produksyon sa mais, sugarcane, rubber, at kamote.
Bukod dito, bumaba rin ng -11.3% ang fisheries production nitong ikalawang quarter habang tumaas naman ang volume ng livestock at poultry production mula Abril hanggang Hunyo ng 2023. | ulat ni Merry Ann Bastasa