Programang Peace 911 ng Davao City, dadalhin ng OVP sa ilang conflict-affected areas sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dadalhin ng Office of the Vice President (OVP) ang konsepto ng Peace 911 mula sa pamahalaang lokal ng Davao City sa ibang lugar para ibahagi programang pangkapayapaan sa ibang conflict-affected areas sa bansa.

Sa panayam nito, sinabi ni Vice President Sara Z.  Duterte na dadalhin nila ito sa mga lugar na may gulo para resolbahin ang mga isyu nito sa lipunan na naging dahilan ng kanilang rebelyon.

Ayon kay VP Sara, gagamitin nila ang mga nagawa nitong hakbang tungo sa pagkamit ng Davao City bilang insurgency-free bago pa man ito bumaba bilang alkalde ng lungsod.

Ilan sa mga programa na ipinatupad sa mga conflict-affected areas sa Davao City ay ang pagpapalakas ng livelihood programs, Concensus Building, infrastructure at iba pa na naging resulta sa naging estado nito ngayon.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us