Pinag-aaralan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) na buksan at payagan ang pag-
update ng personal na impormasyon sa database ng National ID sa Oktubre.
Ayon kay National Statistician Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang pilot program para sa pag-update ng database ay isinasagawa at posibleng ilunsad sa lalong madaling panahon ng PSA.
Aniya, maaari nang ma-update ng publiko ang mga pagbabago sa pangalan at katayuang sibil pati na rin ang pagwawasto ng pagpasok sa petsa at lugar ng kapanganakan.
Ang National Capital Region (NCR) at Region 6 ang napili para lumahok sa pilot program.
Idinagdag pa ng opsiyal, na layon din ng PSA na makabuo ng mga corrected national ID bilang karagdagan sa target na 92 million physical national IDs na nai-print sa Setyembre 2024. | ulat ni Rey Ferrer