Publiko, makakaasa ng isang bukas at hayag na pagtalakay ng pambansang pondo sa plenaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na magiging bukas at hayag ang nakatakdang deliberasyon sa plenaryo ng panukalang 2024 National Budget.

Bukas, September 19, ay iaakyat na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 8980 o P5.768 trillion 2024 General Appropriations Bill.

Aniya, makakaasa ang mga Pilipino na magiging mas komprehensibo ang pagtalakay at paghimay sa panukalang pondo, kasabay ng pagtiyak na magiging transparent at patas ang diskusyon.

Maliban kasi aniya sa karapatan ng publiko na malaman kung saan mapupunta ang pondo, ay responsibilidad aniya ng mga mambabatas na ipaalam ito sa mga Pilipino.

Muli ring binigyang diin ng House panel chair ang kahalagahan ng 2024 budget,  para maisakatuparan ang kagyat na pangangailangan ng bansa pati ang pangmatagalang programa para sa pag-unlad ng Pilipinas.

“Our overarching aim is to formulate a budget that serves both the immediate needs and long-term ambitions of our nation. This budget will serve as a cornerstone for sustainable development, inclusive growth, and robust public services,” dagdag ng mambabatas.

August 10, sinimulan ang budget briefings sa komite at target nilang matapos ang plenary deliberations sa September 27. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us