Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nakabantay ang pamahalaan sa implementasyon ng Executive Order no. 39, na nagtatakda ng price ceiling sa bigas sa buong bansa, upang masiguro ang access ng publiko sa pagkain, sa gitna ng pagsipa ng presyo ng bigas sa merkado.
Sa isang ambush interview sa Palawan, sinabi ng Pangulo na kabilang sa mga ahensyang ito ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), at Department of Justice (DOJ).
Paliwanag ng pangulo, ang mga tanggapan kasi na ito ay mayroon nang regular na inspection na ipinatutupad, kaya’t ia-apply na lamang nila ang kanilang operasyon sa pagbabantay sa presyo ng bigas.
“So, they will now apply the price ceilings that I have ordered in the EO that I signed yesterday, to make sure the prices stay within the limits that we have prescribed. Now, the real problem is in NCR. It’s not so bad outside of Metro Manila. That’s why maybe we will be focusing our efforts in Metro Manila.” —Pangulong Marcos Jr.
Payo ng Pangulo, kung ang mga consumer ay makakakita na ibinibenta sa mas mataas sa P41 per kilo ang regular milled rice at P45 per kilo para sa well-milled na bigas, maiging ipagbigay alam ito sa otoridad.
“I would encourage anyone who finds that someone or a retailer is selling at above the price ceiling, i-report po ninyo, i-report ninyo sa pulis, i-report ninyo doon sa DA, doon sa lugar ninyo, i-report ninyo sa local government para matingnan po namin at tiyakin na hindi lalampas doon sa ating presyo.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan