Pulis na nakapatay ng menor de edad sa Rizal, inirekomendang alisin sa serbisyo ng IAS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service (IAS) na sibakin sa serbisyo si Police Corporal Arnulfo Sabillo, ang pulis na nakabaril at nakapatay sa menor de edad sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay IAS Inspector General Alfegar Triambulo isinumite na nila ang kanilang rekomendasyon sa Police Regional Office (PRO) 4A.

Ito’y matapos na napatunayang guilty si Sabillo sa administratibong kaso na 2-counts ng grave misconduct at conduct unbecoming of a Police officer.

Bukod sa administratibong kaso, nahaharap din sa kriminal na kasong Homicide at Frustrated Homicide si Sabillo at ang sibilyan na kasamahan nito sa pamamaril.

Matatandaang August 20 nangyari ang pamamaril ng pulis na ikinasawi ng 15-taong gulang na si John Francis Ompad.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us