Punong Barangay sa Masbate, pinagbantaan ang buhay dahil sa nalalapit na eleksiyon, ayon sa Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Comelec Regional Director Valeza na isang punong barangay sa lalawigan ng Masbate ang tumawag sa kanilang tanggapan na pinagbabantaan na bibitbitin kung hindi siya aatras sa kanyang muling pagtakbo bilang punong barangay.  Hindi na pinangalanan ni Valeza ang barangay captain at kanyang lugar para sa kanyang kaligtasan.

Tiniyak ng opisyal, na tutukan ito ng komisyon. May direktiba na rin si Valeza sa pamunuan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na tugunan ang ganitong report pawa wala ng masaktan.

Binigyan diin niyang sa pangkalahatan matahimik at maayos parin sa buong Bicol, sa kabila ng magkasunod na insedente ng pamamaslang sa opisyal ng barangay sa Libon Albay at  pananakot sa isang punong barangay sa lalawigan ng Masbate.  Aniya on top of the situation ang tropa ng gobyerno. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us