QC solon, itinutulak na awtomatikong mabigyan ng GSIS ang mga BSK officials

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ni Quezon City Representative PM Vargas na mabigyan ng GSIS coverage ang mga Barangay at Sangguniang Kabataan officials.

Sa kaniyang House Bill 3355 o Mandatory GSIS Coverage for Barangay Officials Act, tinukoy nito ang kahalagahan ng mga barangay officials bilang tagapamuno ng pinaka-basic political unit ng Lipunan.

Aniya, pinagkakasya lang ng mga opisyal ng barangay ang kanilang maliit na sahod at lmitadong benepisyo.

“Barangay officials are the blood that keeps the government running especially in the grassroots and community level. It is only right and just that government benefits, specifically in insurance as a social security tool, be extended to include our noble leaders in the barangay,” ani Vargas.

Oras na maisabatas ang Punong Barangay, Sangguniang Barangay Members, Sangguniang Kabataan Chairperson, pati ang itatalagang Barangay Treasurer, Barangay Secretary, Chief Tanod, at Barangay Admin ay awtomatikong mapapasama sa GSIS coverage.

Ang LGU naman ay aatasan na bumuo ng sistema sa kung paano sila makakapaghuhulog ng kontribusyon o kung isa-subsidize ito ng LGU. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us