Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na tinukoy bilang rank 10 most wanted person sa district level matapos ikasa ng Las Piñas Police Station ang isang joint operation kasunod ng inilabas na arrest warrant ng korte.
Nahaharap ang naarestong lalaki na kinilalang si Jonathan Hacunita sa dalawang counts of Acts of Lasciviousness base na rin sa arrest warrant ni Presiding Judge Mildred Jacinto Marquez ng Family Court Branch 2 ng Las Piñas City.
Aabot sa P400,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Las Piñas City Police Station ang nasabing akusado.| ulat ni EJ Lazaro