Refund mechanism para sa palyadong serbisyo ng mga telco, mai-aakyat na sa plenaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaari nang talakayin sa plenaryo ng Kamara ang panukalang batas para magkaroon ng refund mechanism ang mga telecommunication companies oras na magkaroon ng service outage o disruption.

Sa ilalim ng House Bill 9021 o Refund for Internet and Telecommunication Services Outages and Disruptions Act, umaasa ang mga mambabatas na mas maisasaayos ang serbisyo ng mga public telecommunications entities (PTE) at internet service providers (ISP).

Nakasaad sa panukala na ang mga PTE at ISP ay bibigyan ng refund credit ang kanilang customer kung nakaranas ito ng internet service outage o disruption na kapag pinagsama-sama ay hindi bababa sa 24 na oras sa loob ng isang buwan.

Hindi naman kasali sa refund ang mga scheduled maintenance na dapat ipaalam sa customer 48-oras bago ang gagawing pagsasaayos, gayundin ang mga hindi inaasahang pangyayari na gawa ng third party o subscriber.

Ang naturang refund ay awtomatikong ibibigay sa customer at hindi na kailangan ng request.

Maaari namang maghain ng reklamo ang customer kung kulang ang nakuha nitong refund.

Bibigyang kapangyarihan ang National Telecommunications Commission (NTC) para magpataw ng multa na ₱50,000 hanggang ₱200,000 sa mga PTE at ISP sa bawat paglabag.

Mauuwi naman sa pagbawi ng lisensya, registration at prangkisa ang mga paulit-ulit na lalabag.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us