Reputasyon ng Pilipinas sa int’l community, maaaring masira kung hindi tutugunan ang bagong modus sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinadismaya ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang insidenteng nahuli sa CCTV kung saan nakita ang isang Office of Transportation Service (OTS) employee na nilulunok ang ninakaw na pera mula sa isang pasahero.

Ayon kay Villanueva, paano makukumbinsi ang mga turista na bumisita at mahalin ang Pilipinas kung sa paglapag pa lang nila sa ating paliparan ay nanganganib na ang kanilang seguridad.

Kaya naman nananawagan ang senador sa Department of Transportation (DOTr) na agad na imbestigahan ang pangyayari.

Kung mapatunayang nagkasala ay agad na sibakin sa pwesto at samapahan ng karampatang kaso ang OTS personnel.

Dinagdag rin ng mambabatas na kailangan ding alamin kung mayroon itong kasabwat sa paggawa ng krimen para maputol na ang “mafia” ng masasamang loob sa airport.

Kasabay nito ay iginiit ni Villanueva na dapat magsagawa ng retraining at assessment sa mga airport personnel.

Dapat rin aniyang maging mapanuri sa pagtanggap ng mga aplikante para matiyak na hindi nagpapasweldo ang pamahalaan ng mga kawatan.

Sinabi rin ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dapat imbestigahan ng OTS ang bagong modus operandi na ito sa NAIA.

Ipinunto ni dela Rosa na sa insidenteng ito ay nasisira ang reputasyon ng Pilipinas lalo na kung hindi ito matutugunan agad. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us