Resulta ng imbestigasyon tungkol sa OTS employee na lumunok ng ninakaw na pera, lalabas matapos ang isang buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni Office of Transportation Security (OTS) Deputy Administrator Assistant Secretary Jose Briones Jr. na alibi o palusot lang ng screening officer ng NAIA na tsokolate ang kanyang isinubo at hindi pera.

Ito ay matapos masuspinde ang naturang OTS employee dahil sa pagnanakaw ng 300 US dollars mula sa isang pasahero.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng DOTr, nilinaw ni Briones na kalaunan nga ay nakita sa CCTV na perang papel ang sinubo ng OTS personnel.

Sa update rin ng opisyal, sinabi nitong inaasahang lalabas ang opisyal ng resulta ng imbestigasyon tungkol sa insidente sa loob ng isang buwan.

Sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista na simula Hulyo 2022 ay umabot sa 19 na empleyado na ng NAIA ang nasibak sa pwesto dahil nahui silang nagnanakaw mula sa mga pasahero.

Dismayado naman ni Senadora Grace Poe sa impormasyong ito pero ipinahayag ng senadora na magandang ituloy-tuloy ang paglalagay ng mga CCTV para mapaigting ang monitoring sa loob ng paliparan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us