Rice retailers sa Lingayen, Pangasinan, compliant sa price cap ng bigas alinsunod sa EO 39

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang ginagawang monitoring at profiling ng mga kinauukulan sa pamilihang bayan ng Lingayen kaugnay sa pagsunod ng mga rice retailer sa Executive Order (EO) 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay nito, maigting ang pagtutulungan ng mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) na nakabase sa bayan ng Lingayen, Municipal Agriculture Office at Market and Slaughterhouse Office upang makalap ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng presyo ng mga bigas, kasalukuyang dami ng stock na hawak ng mga nagbebenta at kung hanggang kailan ito tatagal bago maubos.

Paglilinaw naman ng mga kinatawan mula sa mga nabanggit na tanggapan, hindi sila nanghuhuli ng mga hindi tumatalima sa mga nilalaman ng EO 39 kundi nagpapaalala lamang na sumunod ang mga ito upang makaiwas sa mga karampatang parusa.

Batay naman sa resulta ng ginawang monitoring ng mga kinauukulan, mayroong mga retailer ang nagbebenta ng well milled rice sa halagang P45 kada kilo, alinsunod sa itinakdang price ceiling ng EO 39.

Ayon naman sa Lingayen LGU, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga nagbebenta ng bigas, napagalaman nilang positibo pa rin ang mga ito na mababawi nila ang kanilang tubo sa pagbebenta sa kabila ng umiiral na “price cap” para sa regular at well milled rice. | ulat ni Ruel de Guzman, RP Dagupan

📷 Lingayen Information Office

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us