Rice retailers sa Murphy Market, umaasang agad matatanggap ang cash assistance mula sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa ang ilang maliliit na rice retailers sa Murphy Market sa Cubao, Quezon City na agad na matanggap rin ang financial assistance mula sa pamahalaan.

Ayon kay Ate Analy, isa sa may pwesto ng bigasan, malaking tulong ang ₱15,000 na ayuda dahil kahit papaano ay maipandaragdag ito sa kanilang puhunan.

May nag-ikot naman na aniyang market master na hiningi ang kanilang detalye para sa listahan ng mga makakatanggap ng subsidy.

Sa ngayon, paubos na ang mga bentang murang bigas sa ilang tindahan sa Murphy Market.

Kabilang diyan ang pwesto ni Mang Mario na nagbenta ng ₱41 at ₱45 na kada kilo ng bigas.

Aniya, lubos na tinangkilik ng mga mamimili ang paninda nitong murang bigas sa mga nakalipas na araw.

Bukod naman sa ayuda, umaasa itong magkaroon ng murang supplier para maipagpatuloy ang bentahan ng murang bigas sa mamimili. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us