Road reblocking at repairs ng DPWH, magpapatuloy ngayong weekend

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paaalala sa ating mga motorista na bibiyahe ngayong araw, patuloy ang pagsasagawa ng road reblocking and repairs ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang kalsada sa Metro Manila.

Sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) may 22 lugar sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang kasalukuyang isinasailalim ng DPWH sa reblocking at pagsasaayos ng kalsada. Ilan dito ay nasa bahagi ng C5 sa Pasig at Makati City, EDSA sa bahagi ng Caloocan, San Juan Annapolis, at EDSA Taft Avenue, kasama rin ang bahagi ng Roxas Blvd. at EDSA Flyover Southbound sa Pasay.

Kaya naman payo ng MMDA sa mga motorista, kung maaaring dumaan muna ang mga ito sa mga alternatibong ruta.

Inaasahan naman na magiging fully passable na ang mga apektadong kalye simula alas-5:00 ng umaga bukas, September 25, araw ng Lunes. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us