Inilunsad na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Roadshow 2023 sa Bacolod City, Negros Occidental.
Nilalayon ng Roadshow na pataasin ang kamalayan ng mga lokal na ahensya tungkol sa mga programa ng ARTA alinsunod sa Ease of Doing Business Law.
Kabilang sa tinalakay sa Roadshow 2023 ang mga impormasyon sa Committee on Anti-Red Tape (CART), Citizen’s Charter, Regulatory Impact Assessment (RIA), at iba pa.
Ang Roadshow 2023 ay bahagi ng kampanya ng ARTA na ayusin at pabilisin ang mga serbisyo ng pamahalaan bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. | ulat ni Rey Ferrer