Pormal na nagbukas ang sabayang pagsasanay ng Philippine Navy (PN) at Royal Malaysian Navy (RMN) na binansagang MALPHI LAUT 24/23 sa Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City kahapon.
Sa kanyang mensahe sa opening ceremony, sinabi ni Naval Forces Eastern Mindanao Commander Commodore Carlos V. Sabarre na ang aktibidad ay testamento ng matatag na kooperasyon at commitment sa maritime security ng dalawang navy.
Kasunod nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga panauhin na mag-tour sa dalawang barko ng RMN na kalahok sa pagsasanay, ang KD Selangor (F176) na bagong-henerasyong patrol vessel ng RMN, at littoral monitoring ship KD Sundang (112).
Bahagi ni pagsasanay ang shore, air at sea activities na magpapahusay sa interoperability ng dalawang pwersa.
Ang pagsasanay na isinasagawa sa ika-24 na pagkakataon ay tatagal hanggang Setyembre 8. | ulat ni Leo Sarne
📷: NFEM