Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian sa gobyerno at sa industry players na magtulungan sa pagtugon sa muling pagtaas ng inflation rate.
Ito ay matapos pumalo sa 5.3 percent ang inflation rate sa bansa nitong Agosto, na mas mataas sa 4.7 percent na naitala noong Hulyo.
Sinabi ni Gatchalian, na ang muling pagtaas ng inflation rate ay nangangahulugan ng patuoy na pagbagsak ng purchasing power ng maraming Pilipino.
Sa kabilang banda, ito dapat ang maging hudyat para sa sama-samang pagkilos ng lahat para maresolba ang epekto ng inflation.
Iginiit ng senador, na kailangan magkaroon ng iisang pagsisikap para maabot ng bansa ang self-sufficiency, at mabawasan ang pagiging dependent ng Pilipinas sa pag-aangkat at pagbutihin ang kakayahan ng bansa na harapin ang pabago-bagong global prices.
Umapela rin si Gatchalian, na patuloy na bantayan ang sitwasyon. | ulat ni Nimfa Asuncion