SDO Albay, naghanda ng iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day at World Teachers’ Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang Albay School Division Office ay naghanda ng iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng World Teachers’ Day at World Teachers’ Month na ipinagdiriwang mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

Ayon kay Albay SDO – Information Officer Froilan Tena ang pagdiriwang ngayong taon ay binigyan ng temang: “Together 4 Teachers” kung saan ang bilang na apat ay kumakatawan sa 4 A’s of Gratitude – Appreciation, Admiration, Approval at Attention.

Ilan sa mga aktibidad na inihanda ay ang pagbibigay pugay sa pamamagitan ng pagtampok ng mga inspiring na kuwento ng ilang mga guro sa social media page ng SDO at pagpupugay sa mga natatanging guro tuwing Lunes sa Flag Ceremony. May mga photobooth at regalo ding inihanda para sa mga gurong dadalaw sa SDO.

Naghanda rin ang tanggapan ilang mga pagtatanghal at patimpalak tulad ng Teacher’s Got Talent kung saan ang finals ay gagawin sa darating na Setyembre 29 at may choral competition din tampok pa rin ang mga guro.

Magsasagawa din sila ng dental mission na laan para sa mga guro sa Oktubre 2 at ang panghuling aktibidad ay isang malaking presentasyon na gaganapin sa Oktubre 5 sa Albay Provincial Sports Complex sa Travesia Guinobatan, Albay, na kung saan ang mga performers ay magmumula sa non-teaching personnel ng division. Ito ay susundan ng libreng concert at magkakaroon din ng paraffle.

Pahayag ni Officer Tena na may posibilidad na magdeklara ng modular class sa Huwebes ng hapon ng Oktubre 5 upang magbigay daan sa panghuling aktibidad at makalahok ang mga guro ng probinsya. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay  

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us