Pinasalamatan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang Senate Finance Committee (Sub-committee C) sa pangunguna ni Sen. Ronald Bato dela Rosa sa pag-apruba ng ₱7 bilyong budget ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) para sa 2024.
Ito ay mas mataas sa average budget ng OPAPRU na ₱800 milyon lang sa mga nakalipas na taon.
Sinabi ni Galvez na napapanahon na mamuhunan ng mas malaki ang pamahalaan sa “peace building” ngayong nasa “post-conflict reconstruction, rehabilitation and transition” ang prosesong pangkapayapaan.
Paliwanag ni Galvez, ang malaking pagtaas sa budget ng OPAPRU ay para tugunan ang “socio-economic triggers” na ugat ng rebelyon.
Ayon kay Galvez, ₱5 bilyon sa budget ng OPAPRU ay popondo sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) projects na muling binuhay ng OPAPRU para maghatid ng “socio- economic interventions” sa mga komunidad sa conflict-stricken areas. | ulat ni Leo Sarne
📷: Office of Sen. dela Rosa