Security screening officer na sangkot sa pagnanakaw ng US$300 sa Chinese nat’l sa NAIA Terminal 1, ini-relieve na sa puwesto — OTS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ni-relieve na ng Office of Transportation Security (OTS) ang screening officer na sangkot sa pagnanakaw ng US$300 isang pasaherong Chinese national na papaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay OTS Chief Undersecretary Mao Aplasca na ang kuha ng CCTV camera at yun ang ginawa nilang batayan para mapatunayan ang sumbong ng pasahero sa pagkawala ng kanyang pera sa wallet ng dumaan siya final security check.

Tumanggi naman si Aplasca na pangalanan ang 28-taong gulang na OTS personnel dahil may gagawin pa silang follow up investigation kung sino-sino ang mga kasabwat sa naturang nakawan.

Samantala, muli namang iginiit ni Aplasca na hindi nila  ito-tolerate ang mga ganitong klase ng aktibidad at papanagutin nila ang mga screening officer na gagawa ng ilegal na aktibidad at isumbong o ireklamo nila ang mga mapapansin na gugumagawa ng ganitong uri ng ilegal na gawain.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us