Sen. Angara, tiniyak na magiging mabusisi ang Senado sa pagbibigay ng Confidential and Intelligence Funds sa mga ahensya ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Sonny Angara na bubusising mabuti ng Senado ang lahat ng Confidential and Intelligence Funds (CIF).

Sinabi ito ng senador kasabay ng pagsasabing may magandang punto si dating Senador Franklin Drilon sa pagsasabing dapat higpitan at limitahan ng mga mambabatas ang paglalaan ng CIF sa mga ahensyang nakatutok lang dapat sa security at peacekeeping intelligence operations.

Ayon kay Angara, inisyal na hakbang na sa paghimay nang maigi ng Senado sa CIF ang naging pagpupulong ng select Oversight Committee on Intelligence and Confidential Funds ng Senado.

Sa naging initial aniya nilang pagpupulong ay nabuo na ang magiging rules ng komite at nasilip na ang report sa paggamit ng CIF na isinumite ng ilang ahensya ng gobyerno.

Binigyang-diin ng Senate Committee on Finance chairperson na conscious ang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan na dapat limitahan ang paggamit ng ganitong klase ng pondo at hindi lahat ng ahensya ay nararapat na mabigyan nito. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us