Sen. Imee Marcos, naniniwalang makakapagpabagal ng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ang revalidation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senadora Imee Marcos na nakakapagpabagal lang sa pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo ng new agrarian emancipation law ang paulit-ulit na pag-validate sa pagkakakilanlan ng mga magsasaka at sa kanilang certificate of land ownership awards (CLOAS).

Ipinahayag ito ng senadora bago pa man aniya malagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementing rules and regulation (IRR) ng RA 11953.

Iginiit ni Senadora Imee na ang layunin ng batas ay ipamahagi na ang mga lupa sa agrarian reform beneficiaries at wala na aniyang dapat na gawing revalidation sa mga magsasakang kukuha ng lupa.

Sinabi ng mambabatas na mawawalang saysay lang ang IRR kung magpapataw ng mga bagong hadlang sa pangarap ng mga magsasaka na magmay-ari ng lupang kanilang sinasaka.

Bukod sa pagpapalaya sa mga magsasaka sa kanilang mga utang ay makatutulong rin aniya ang batas na agad na makahiram ang mga magsasaka ng pondo para mapalago ang kanilang mga pananim pati na rin ang agrikultura sa bansa.

Positibo si Marcos na ang mga inaasahan na land title ang maghihikayat sa mga magsasaka na ipatuloy ang kanilang kabuhayan at makakaengganyo rin sa susunod na henerasyon na sundan ang kanilang yapak. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us