Sen. JV Ejercito, nanawagan sa MMDA na ayusin ang sistema sa trapiko para maiwasan ang road rage incidents

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador JV ejercito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pag-aralan ang mga maaaring gawing polisiya para epektibong maipatupad ang ‘road sharing’ sa EDSA at iba pang mga lansangan sa buong bansa.

Ito ay para maiwasan na aniya ang mga ‘road rage’ na tila napapadalas nitong mga nakalipas na panahon.

Iminumungkahi ni Ejercito na pag-aralan ng ahensya ang panukala na ipagamit sa mga motorcycle rider at courier ang bike lanes sa mga piling oras lang.

Ipinaliwanag ng senador na may mga oras na halos wala ring gumagamit ng bike lanes.

Iginiit ng mambabatas na dapat bumuo na ng iba’t ibang paraan para maisaayos ang daloy ng trapiko habang hinihintay pang matapos ang mga imprastrakturang makakatulong sa pampublikong transportasyon gaya ng mga railway at subway system sa bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us