Sen. Raffy Tulfo, pinasalamatan si PBBM para sa pagsertipikang urgent ng panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagalak ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman Senador Raffy Tulfo na sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng Magna Carta para sa mga Pinoy seafarer (Senate Bill 2221).

Ibinahagi ni Tulfo na kahapon ay nakapasa na sa first phase ng period of ammendments ang naturang panukala, kasabay ng paggunita ng national maritime week.

Matapos ang unang yugto ng period of ammendments at ang suportang mula mismo kay Pangulong Marcos ay mas kumpiyansa ang senador na mapapabilis ang pagsasabatas ng Magna Carta of Seafarers.

Pinasalamatan naman ni Tulfo ang mga kasamahan niya sa Senado para sa kanilang suporta sa panukalang ito.

Masaya rin aniya ang mambabatas sa suportang ipinakita ng mga stakeholder at unyon ng mga marino dito. Base sa certification of urgency na binaba ng Malakanyang kahapon, pinapabilisan ang pag-apruba sa panukala kasunod na rin ng banta ng European Union na ipagbabawal ang pagkuha ng mga marinong Pilipino hangga’t hindi sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pamantayan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us