Senador Chiz Escudero sa Bureau of Customs: “Kasuhan na ang mga rice smuggler”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Bureau of Customs (BOC) na kasuhan na ang mga rice smuggler at hoarder, matapos ang maraming raid sa mga warehouse ng bigas nitong mga nakalipas na buwan.

Tanong ni Escudero, bakit hindi pa pinapangalanan sa publiko ang traders at operators na sangkot sa mga warehouse na na-raid ng mga otoridad.

Binigyang diin ng senador, na hindi lang dapat nagtatapos sa raid at dapat kasuhan ang mga sangkot sa pang-iipit ng suplay ng bigas, at sadyang nagpapataas ng presyo ng bigas sa bansa.

Dapat aniyang dalhin sila sa korte, para na rin magsilbing babala na seryoso ang administrasyon sa kampanya nito laban sa mga smuggler at hoarder.

Maliban sa panawagang agad na pagsasampa ng kaso sa rice hoarders, iginiit rin ni Escudero na dapat ring i-update ng gobyerno ang publiko tungkol sa mga na-raid na warehouse ng bigas.

Aniya, para sa transparency at kailangang malaman ng publiko kung ano ang gagawin sa mga nakumpiskang bigas, at sinong mangangasiwa dito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us