Senador Cynthia Villar, naniniwalang artificial shortage lang ng bigas ang umiiral sa bansa ngayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naninindigan si Senador Cynthia Villar na walang shortage o kakulangan ng bigas sa Pilipinas.

Para kay villar, artificial shortage lang ang nararanasan ng bansa ngayon.

Kaya naman sang-ayon ang senador sa ipinatupad na price cap sa bigas, dahil ito aniya ang paraan para mapigilan ang nais gawin ng mga mapang-abusong retailer.

Dapat aniyang tugisin ng gobyerno ang mga nasa likod nitong artificial shortage.

Samantala, naniniwala si Villar na matagumpay ang pagpapatupad ng Rice Tariffication law na mapababa ang presyo ng bigas.

Katunayan aniya, sa Nueva Ecija ay kaya nang mag-produce ng bigas sa presyong P8 at kaya itong maibenta sa merkado sa halagang P25 per kilo.

Iginiit ng mambabatas, na ang problema lang na kailangang tugunan ay ang mga nasa loob ng mga ahensyang nagpapatupad ng Rice Tariffication law na kasabwat ng mapang abusong retailer. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us