Senador JV Ejercito, babawiin ang kanyang suporta sa pag-ban sa POGO kung gagawin ito ng biglaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na bawiin ang kanyang suporta sa panukalang phase out ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas, kung gagawin ito ng biglaan.

Una na kasing pumirma ang senador sa report na inilabas ng Senate Committee on Ways and Means patungkol sa tatlong buwan na pag phase out sa mga POGO.

Ayon kay Ejercito, una na silang nag-usap ni Ways and Means Committee Chairperson Senador Sherwin Gatchalian para sabihing hindi siya pabor sa biglaang pagpapaalis sa mga POGO.

Nais kasi ng senador, na dalawa hanggang tatlong taong unti-unting pagpapaalis sa mga POGO para makapaghanap ng alternatibong negosyo o trabaho ang mga lehitimong POGO companies, at mga empleyado nito.

Ipinunto rin ng mambabatas, na makakaapekto ang biglaang POGO ban sa persepsyon ng mga potensyal na mamumuhunan sa ating bansa dahil ipapakita nito ang pabago-bago nating polisiya. 

Una na kasi aniyang isinalegal ang mga POGO tapos ngayon ay nais itong ipagbawal agad-agad.

Sinabi ni Ejercito, na pinirmahan lang niya ang naturang committee report para makaabot sa plenaryo ang usapin at matalakay maigi ng mga senador. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us