Senador Tolentino, handang tumulong sa mga maghahain ng reklamo laban sa paninira ng Chinese vessels sa mga bahura sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas si Senador Francis Tolentino na maging co-petitioner sakaling may magsulong ng reklamo sa international court kaugnay ng ginawang pagsira ng mga Chinese militia vessel sa mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Tolentino handa siyang tumulong basta’t hindi ito in conflict sa mga ginagawa niya sa Senado.

Partikular sa tinatalakay ng pinamumunuan niyang Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones na pinapanukalang mapa ng maritime territories ng Pilipinas.

Pero sinabi ng senador na kung mayroon namang ibang grupo o indibidwal na may oras at resources na bumiyahe sa ibang bansa para matutukan ang kaso ay dapat na itong ipaubaya sa kanila.

Handa aniya si Tolentino na mag-asiste sa kaso at magbigay ng mga dagdag na materyales para mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa kaso.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us