Senador Tolentino, kinondena ang tangkang pamamaslang sa star witness sa kaso ng inabusong kasambahay sa Occidental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinokondena ni Senate Committee on Justice and Human Rights chairman Senador Robin Padilla ang tangkang pamamaslang kay Jay-ar Suarez Dimerez alyas “Dodong” na siyang pangunahing witness sa kaso ng pang-aabuso sa kasambahay na si Elvie Vergara sa Occidental Mindoro.

Base sa impormasyon, dalawang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng bonnet ang pwersahang pumasok sa bahay ni alyas Dodong at saka nagpaputok ng baril pasado alas otso kagabi sa munisipalidad ng Paluan, Mindoro Occidental.

Binahagi naman ni Tolentino na hindi nasaktan si alyas ‘Dodong’ sa naturang insidente.

Nakipag coordinate na rin aniya ang senador sa PNP Region 4B at sa ngayon ay secured na ng mga pulis si Dodong.

Kaninang umaga naman aniya ay may impormasyon na mayroong mga armadong lalaki na nagpunta sa bahay ng biktimang si Elvie Vergara sa Batangas City.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang mga nasa likod ng mga insidenteng ito.

Sinusubukan na rin aniya ng senador na matulungang maipasok sa witness protection program ang inabusong kasambahay na si Nanay Elvie sa witness protection program ng DOJ.|ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us