Senator Bong Go, namahagi ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Barangay Culiat, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit dalawang daang pamilya sa barangay Culiat ang pinagkalooban ng tulong ni Senator Bong Go ngayong hapon.

Ang mga pamilya ay biktima ng malaking sunog sa Adelfa compound sa Barangay Culiat noong gabi ng Agosto 27.

Karamihan sa kanila ay nakakanlong pa rin sa basketball court ng Metro Heights Subd. na ginawang temporary shelter.

Bukod sa P10,000 tulong pinansiyal mula sa Assistance to Individuals In Crisis (AICS) program ng DSWD, pinagkalooban din ng grocery packs ang mga pamilya mula sa ahensiya .

Payo pa ng senador sa mga residente na huwag mawalan ng pag-asa, sa halip magtulungan para makabangon sa normal na buhay.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire and Protection (BFP), may 50 kabahayan ang natupok sa sunog at 11 katao ang nasaktan.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us