Send-off sa 184 bagong 2nd lieutenant ng Philippine Army, pinangunahan ng army chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang send-off ng 184 na bagong komisyon na 2nd lieutenant ng Philippine Army sa Army Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig.

Ang mga bagong komisyon na opisyal ay mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Bagsik-Diwa” Class of 2022.

Natanggap nila ang kanilang aktibong komisyon matapos na makumpleto ang Officer Candidate Course (OCC) Class 57-2022.

Sila ay ide-deploy sa iba’t ibang unit ng Philippine Army para sumabak sa “frontline combat operations” laban sa mga teroristang komunista, lokal na armadong grupo, at iba pang banta sa seguridad.

Sa kanyang mensahe, binilinan ni Lt. Gen. Galido ang mga batang opisyal na paghusayan ang kanilang trabaho upang umangat sa serbisyo. | ulat ni Leo Sarne

📷: Cpl Rodgen V. Quirante, OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us