Mas dapat tutukan ngayon ng Office of the Transporation Security ang pagtukoy sa sindikato na nasa likod ng pangnanakaw sa mga bagahe ng mga pasahero.
Ito ang tinuran ni Iloilo Representative Janette Garin kasunod ng insidente ng isang airport security officer na nakita sa CCTV na lumulon ng pera na hinihinalang kinupit mula sa isang bagahe ng isang pasahero.
Hindi aniya sapat na ang naturang empleyado lang ang kasuhan, bagkus ay kung sino ang pasimuno sa iligal na gawaing ito.
“It is not enough to file a case against the person who swallowed the money. It is important to uncover the syndicate behind these acts,. Dapat mas managot ang nagpakain ng pera and the directors behind this syndicate,” ani Garin.
Punto pa ng mambabatas na makailang ulit nang may ganitong insidente kaya’t masasabi na may sabwatan sa pagitan ng mga empleyado mismo.
Nanawagan din ang House Deputy Majority leader kay Transportation Secretary Jaime Bautista na maglatag ng timetable para matukoy at mabuwag ang sindikato sa likod ng isyu.
“Obviously, this is not the first time, and is impossible to do alone. Probably, there is a collaboration among employees. Might be the tip of the iceberg,” diin ni Garin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes