Singil sa kuryente ngayong Setyembre, tatataas — MERALCO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ang mahigit pisong bawas singil nitong Agosto, inanunsyo naman ngayon ng Manila Electric Company o MERALCO na tataas ng 50 sentimos kada kilowatthour (KWh) sa kanilang singil sa kuryente ngayong Setyembre.

Ayon sa MERALCO, nangangahulugan ito ng mahigit sa P11 pagtaas sa kanilang singil para sa overall charge o katumbas ng P100 na umento sa monthly billing ng mga kumokonsumo ng 200 KWh.

Sa isang pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni MERALCO Spokesperson at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong buwan ay bunsod ng mas mataas na generation charge.

Nabatid na tumaas din kasi ang singilin ng mga independent power producer o IPPs sa ilalim ng nilagdaang Power Supply Agreement o PSA sa mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us