Small at micro rice retailers sa Muntinlupa City, nakatanggap na rin ng P15,000 cash assistance mula sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na rin ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga small at micro rice retailer sa Alabang Central Market sa Muntinlupa City.

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na layong suportahan ang mga small at micro rice retailer na apektado ng price cap sa bigas.

Pinangunahan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pamamahagi ng tig-P15,000 cash assistance sa 69 na mga benepisyaryo para sa unang batch ng ayuda.

Matapos ang isinagawang profiling at assessment ng mga tauhan ng DSWD at Department of Trade and Industry, nasa 44 na benepisyaryo ang pumasa at nakatanggap ng cash assistance.

Mayroon kasing mga hindi nakapag-comply sa mga requirement, gaya noong mga benepisyaryo na hindi personal na pumunta, at nagbigay lang ng kanilang authorization letter sa kanilang mga kinatawan.

Sa mensahe ni Mayor Biazon, nagpasalamat ito sa pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong rice retailer. Nangako rin ito na patuloy na susuportahan ang nasabing sektor. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us