Umabot sa P176 milyong piso ang naibigay na tulong sa mga magsasaka sa Ilocos Norte sa pamamagitan ng “Argi ka Dito” program.
Sa naging State of the Province Address ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, sinabi nito na kabilang sa naipamahagi ang 125 essential farming equipments, at 17,276 small farm equipments.
Inihayag din ni Gov. Manotoc ang P14.5 milyong na halaga ng mga fishing paraphernalia na naibigay sa halos 1,300 na mangigisda sa lalawigan.
Maliban dito ay nakumpleto ang 38 farm to market roads, 153 small farm reservior na mabebenepisyuhan ang 495 na ektarya ng bukurin, 13 solar powered irrigation system, at 20 multipurpose drying pavements.
Isiniwalat pa ng gobernador ang P27 milyong na inilaan para sa clustered farming para sa high value crops kung saan nabenepisyuhan ang 1,700 na magsasaka.
At masayang inihayag nni Gov. Manotoc ang inilaang 30 milyong piso para sa kauna-unahang Ilocos Norte Trading Center mula sa Department of Agriculture na itatayo sa lungsod ng Batac.
Dagdag ng gobernador ang planong itatayo ng kauna-unahang fish cold storage sa lalawigan.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag