Speaker Romualdez pinatutulungan mga apektado ng smog; DOH, LGU, mamimigay ng N95 face masks

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Department of Health (DoH) at mga lokal na pamahalaan na tulungan ang kanilang mga residente na apektado ng volcanic smog o vog mula sa Bulkang Taal.

“We have to assist residents of areas around Taal Volcano like Batangas, Cavite, Laguna, and even Metro Manila cope with this temporary problem,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi ni Speaker Romualdez na makabubuti kung mamimigay ang DOH at LGU ng mga N95 masks at iba pang protective gear sa mga apektadong residente.

Ayon kay Speaker Romualdez sinabi sa kanya ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na ang DOH ay mayroon pang suplay ng N95 face masks na binili para sa Covid-19 pandemic.

“We have to protect affected resident from volcanic dusts and gases, and from possible respiratory ailments,” sabi ng Speaker na ipinarating sa DOH ang kanyang hiling sa pamamagitan ni Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations.

Habang wala pang magagamit na face masks, sinabi ni Speaker Romualdez na gumamit umano ng pantakip sa mukha upang hindi masinghot ang vog.

Sinabi rin ng lider ng Kamara na mayroong 311 miyembro na dapat maghanda ang DOH at LGU para sa posibleng sakit na dala ng paglanghap ng vog sa mga residente ng mga apektadong lugar.

“If they have available drugs for these ailments, they should already preposition them in places where they would be needed,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Ayon sa mga lumabas na ulat kahapon, Huwebes, umabot na ang vog sa Cavite, Laguna, Batangas, at Metro Manila kaya mayroong mga LGU na nagkansela ng klase.

Pero nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at air monitoring office ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang smog na naobserbahan sa Metro Manila ay mula sa tambutso ng mga sasakyan at hindi galing sa Taal.

Ayon sa Phivolcs ang ibinubuga ng Taal ay hinahangin pa-kanluran at hindi patungo sa direksyon ng Metro Manila.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us