SRA, tumanggap ng mga traktor at kagamitang pansaka mula sa Japan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatanggap ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ng 80 tractor units at iba pang farm equipment mula sa Japanese government.

Ito ay bilang suporta sa sugarcane industry farm mechanization program na pinondohan ng kabuuang ₱314-million sa ilalim ng Japan Non-Project Grant Aid.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si SRA Administrator Paul Azcona sa Japanese government sa suporta nito na makatutulong aniya para tumaas ang productivity sugar farmers.

Ayon kay Azcona, magagamit na ito ng mga sugarcane farmers lalo ngayong nagsimula na ang milling season.

Nasa 51 tractor units ang ide-deploy sa sugarcane areas sa Visayas kabilang ang Negros Occidental, Negros Oriental, Iloilo, Leyte, Cebu at Capiz. May ilalaan ding 15 tractors sa mga sugar cane farmers sa Luzon, habang 14 naman sa Mindanao.

Samantala, bukod sa traktor, kasama rin sa natanggap ng SRA ang 48 units ng Sugarcane Planter, 48 units ng Lateral Flair Mower, at limang units ng Power Harrow. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us