State of calamity, idineklara sa Oton, Iloilo dahil sa pinsala ng Bagyong Goring

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara na ang state of calamity sa Oton, Iloilo matapos aprubahan ng Sangguniang Bayan ang resolusyon tungkol dito sa isinagawag special session ngayong hapon ng September 1, 2023.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Malvin Nad, nasa mahigit 28,000 pamilya ang apektado ng baha dahil sa walang tigil na ulan dala ng habagat na pinalakas ng bagyong Goring.

Sa agrikultura, umabot sa 277 ektarya na may 243 na magsasaka ang apektado ng bagyo na umaabot sa mahigit P3 milyon ang halaga ng pinsala at posibleng tataas pa ang numero dahil patuloy ang pagdating ng damage report.

May anim na mga bahay ang totally damaged at 49 ang partially damaged. | ulat ni Bing Pabiona | RP1 Iloilo

📷: Oton DRRMO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us