Kinumpirma ni Appropriations Vice-Chair at Caloocan City Representative Mary Mitzi Cajayon-Uy na walang nakapaloob na confidential fund sa ₱100-billion na panukalang pondo ng State Universities and Colleges sa susunod na taon.
Sa interpelasyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, natanong nito ang sponsor ng budget ng SUCs kung mayroon din bang confidential fund sa kanilang panukalang budget na magagamit para i-monitor ang ‘recruitment’ na nangyayari sa mga eskuwelahan tulad aniya ng hiling ng Department of Education (DepEd).
Sagot ni Cajayon-Uy, hindi nagpapanukala ang SUCs ng CF dahil hindi naman bahagi ng kanilang mandato.
Kahit sa mga nakalipas na taon aniya ay wala ring hininging CF ang mga SUCs.
Dahil naman dito, sinabi ni Manuel na kung hindi nakikita ng SUCs ang pangangailangan ng CF, dapat “consistent” sa pamahalaan, partikular ang education-related agencies na hindi magkaroon o pondohan ang CF. | ulat ni Kathleen Jean Forbes