Welcome kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendadong limang taong importasyon ng Pilipinas ng bigas mula sa Vietnam.
Sa bilateral meeting ng Pangulo at ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh, iminungkahi ng Punong Ministro sa Pangulo ang nasabing hakbang at ang kikilos aniya dito ay ang kani- kanilang Ministries of Trade and Agriculture.
Naniniwala naman si Pangulong Marcos Jr. na ang five-year rice importation arrangement ay magpapatatag hindi lamang sa suplay kundi pati na ng presyo ng bigas sa Pilipinas.
Mahalaga aniya ang nasabing term arrangement na magbibigay ng kasiguraduhan para mapatatag ang sitwasyon sa usapin ng bigas hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na sa rehiyon.
Kumpiyansa naman si Pangulong Marcos Jr. na makakabuo na ng concensus ukol dito at aayon ang magkabilang partido sa kung anuman ang magiging arrangement.
Una ng nagkaroon ng Memorandum of Agreement hinggil sa pagsusuplay ng Vietnamese rice sa Pilipinas noong May 2008 kung saan nagbenta ng 1.5 million metric tons sa Pilipinas ang Vietnam mula 2008 hanggang 2010. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PCO